Bakit mo kailangan magsimula ng negosyo habang bata pa?

Sabihin na natin marami kapang oras, bata kapa naman, gusto mo muna mag-enjoy sa trabaho, masaya kapa sa ginagawa mo, marami kapang ginagawa sa buhay, marami kapang problema, hindi mo maasikaso, mag-iipon muna, hindi ka makapag-desisyon at natatakot ka at maraming duda. Bro, hindi natin hawak ang oras kung hanggang kailan tayo mabubuhay sa mundo.
Sa dinami-dami ng rason na yan, isa lang ang tanong ko dyan "Uunlad kaba sa ganyang mindset?" at ang makakasagot nyan ay ikaw mismo. Alalahanin mong may umaasang pamilya mo sayo. habang bata kapa at malakas pa umpisahan mo na ang negosyo dahil pag matanda kana gusto mo nalang magrelax at mabilis mapagod.
Linawin natin. Hindi ko sinasabing dapat hindi na pumasok sa negosyo ang mga may edad. Ang sinasabi ko lamang po ay mas okey kung magtayo ng negosyo habang bata pa dahil sa mga sumusunod na dahilan.
May oras pang makabawi sakaling malugi

Sakaling malugi ang kabataan sa negosyo, mahaba pa ang oras nilang makabawi kumpara sa mga retired na. Maari pa silang makapaghanap ng trabaho dahil ang katotohanan ay mas marami ang naghahanap ng kabataan bilang empleyado kaysa sa mga retirement age na.
Kung nais talagang pumasok sa business ng mga retired na, ang payo ko ay huwag itaya lahat ng inyong retirement fund sa business. Maximum 20% ng kabuuang retirement fund lamang ang ipagsapalaran.
Time is on the side of the young
Kailangang ng lakas at sigla sa pagpapatakbo ng negosyo. Mas may stamina ang mga kabataan para ikutin ang pangaraw-araw na gawain sa pagpapalakad ng negosyo.
Kapag nagkakaedad na, totoo namang nababawasan ang ating physical energy. Tandaan na mas madaming taon na ang ginugol ng mga retired sa pagta-trabaho at dahil dito, meron tayong natural wear and tear.
Para sa akin, hindi naman talaga nangingilala ng edad ang negosyo. Pero sa mga retirement age na, kailangan lang ng ibayong pag-iingat at pag-usisa sa mga risk factors upang hindi ma-jeopardize ang pag-enjoy sa retirement.
"YOUR DETERMINATION, RIGHT MINDSET AND EAGERNESS WILL LEAD YOU TO YOUR SUCCESS"
Disclaimer: This blog is owned by an independent party and is not an official blog website of Alphanetworld corporation or NWorld. The testimonials and examples used are not intended to represent or guarantee that anyone will achieve the same or similar results. Each individual's success depends on his or her background, dedication, desire and motivation. As with any business, your results may vary and will be based on your individual capacity, business experience, expertise, and level of desire. For more information go to https://thealphanetworld.com

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento